Monday, September 10, 2012

Naisip ko lang

Sa tuwing ako'y nakukumusta ng aking kaibigan sa malayo panungkol sa aking pag-iipon para may pambili ako ng tiket sa eroplano patungo sa bayan niya ay.... nai-stress ako. Ang totoo lang. ayoko mag-ipon dahil wala naman akong maiipon. Kung ikumpara natin ang peso sa dolyar ay malaki talaga ang pag-kakaiba para bang "mula Batanes hanggang Hulo or mula silangan hanggang kanluran" ang layo nito. Di ko lang masabi sa kanya na di ko muna ninanais na makapunta diyan sa inyo kung ok lang sa'yo ay ikaw na muna ang pumunta dito dahil alam ko naman na mas may kakayanan ka.
Di ko naman din inaalis na sa pagkakaibigan ay dapat talagang may bigay ng "effort" pero sana naman ay di mo iisipin na di ko ginagawa yan sapagkat "I'm trying", pero alam kong di sapat. Ang pagkakaalam ko kasi sa pagkakaibigan ay mag pagbibigayan at pag-uunawaan. Kung pipilitin mo ako ay nakakalungkot naman dahil pipilitin ko din sigurong pagbigyan ka pero pagkatapos niyan ay baka kalimutan na muna kita.


Every Blessing that YOU poured out...turns back to Praise...!