Friday, August 31, 2012

Minsan...

...dahil sa masyado akong magastos and madami pa akong nakalinya at nakaplano na pagkakagastusan ay naiisip ko na ako kaya ang feeling na may trabaho na malaking sweldu.  Yung tipong gusto mo na ang work mo malaki pa ang tatanggap mo kinsenas-katapusan. Pero pag naiisip ko naman na hindi yon talaga ang pagkatawag ko ay napapahinto ako ng pag-iisip at dun ko naaalala si Lord.
...pag-naiisip ko naman na magraise ng support ay natitigilan din ako, ayaw ko kasi maging pabigat sa ibang tao, ayaw kong lagyan ng pera ang pakikipagkaibigan ko. Gusto kong kaibigan ko sila na walang "string attached". Gusto kong maging malaya sa harapan nila. Ayaw kong maramdaman na kaawa-awa ako sa harapan nila.
...sabi ko nga sa Lord. "Lord ayoko mag-raise ng support, pwede bang ikaw nalang ang kumausap sa kanila na maiisip nila ako/kami sa gitna ng kanilang kasaganaan at magbigay sila sa amin dahil sa mahal ka nila at di dahil naawa sila sa amin". Alam ko na sinagot na kami  ng Lord sa panalangin naming ito at patuloy na sinasagot bagama't di namin nakikita at natatanggap pa ang ilan sa mga ito.

I have to remind myself daily that the Lord is good and in His abundance... he gives.
Glory to God!






Every Blessing that YOU poured out...turns back to Praise...!