Thursday, October 14, 2010

Makabugtonghininga!

May mga bagay sa ating buhay na wala tayong magagawa kundi ang magbugtonghininga nalang.  Kagaya sa amin ng aking asawang lalake.
Dito sa Canada ay tunay naman na pinagpala kami ng ating Panginoong Diyos sa maraming bagay at may mga sitwasyon na medyo nahihirapan kami na Kanyang pinapahintulutan. Hindi naman sa nagrereklamo kami... pero medyo nahihirapan lang din.
Dahil sa aming pakikipag-usap sa kaung kani-kanino lalo na pagdating sa aming trabaho o ministeryo sa Pinas ay may nakikita kaming mga kumplikadong sitwasyon sa darating na panahon kung pahihintulutan ng Lord na mangyari yung mga programa na pinapatupad o pinag-aaralan ng mga nakakataas sa amin.
Diko maiwasan na mag-isip at mag-alala dahil nakasalalay dito ang aming pinagkukunan (in other words: financial support :))
Minsan isang araw naka-usap ko ang isa sa sumusuporta sa amin panungkol sa maaring pagbabago at hindi niya nagustuhan ito at medyo magalit siya at gusto niyang kausapin namin ang pinakamataas na tao sa opis dito sa kanila at kinabahan talaga ako ng sobra kasi diko inaasahan na ganoon ang magiging reaksiyon niya. Pero di ko siya masisisi kasi pera niya yon at siya ang may disisyon kung saan niya gustong ibigay.
Hay buhay! Ang tangin pag-asa namin ay kung pangako ng Lord sa amin. Wala kaming magagawa sa pagbabago.. pero may magagawa ang Lord!

Every Blessing that YOU poured out...turns back to Praise...!

No comments: